International Monetary Fund, pinuri ang administrasyong Marcos sa mabilits na pag aksyon sa global at geopolitical challenges sa pamamagitan ng MTFF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng International Monetary Fund (IMF) ang Marcos Jr. Administration sa mabilis na pag aksyon nito sa mga hamong dala ng global at geopolitical sa pamamagitan ng Medium Term Fiscal Framework (MTFF).

Sa report na inilabas ng IMF, sinabi nito na mahusay na nalagpasan ng Philippine government sa pamamagitan ng policy action ang mga “disrupted global markets and supply chain bottleneck” na nagresulta sa mataas na inflation sa buong mundo.

Partikular na pinuri ng IMF ang naging action sa monetary policy kung saan nagtaas ng interest rate upang makaagapay sa mataas na inflation, na suportado ng fiscal consolidation plan alinsunod sa MTFF.

Sa ilalim ng MTFF, target ng bansa na ibaba ang debt-to-GDP ratio ng less than 60 percent sa 2025, at bawasan ang deficit-to-GDP ratio ng 3 percent hanggang 2028.

Kinilala rin ng IMF ang “fiscal path” ng Pilipinas at sinabing “on-track” umano ito sa pagkamit ng MTFF targets. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us