Kailangang pag-aralan at pagplanuhang maigi ang isinusulong ng ilang mambabatas na pagtatayo ng permanenteng istruktura sa Ayungin Shoal.
Pahayag ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar, makaraang isulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ₱100-million na pondo para dito.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na ang balak kasi ng mga mambabatas ay magkaroon ng tila shelter sa lugar para sa mga mangingisda.
Ibig sabihin, mangangailangan aniya ito ng involvement ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Sila sa AFP, handa namang sumunod, anoman ang i-utos sa kanila, sakaling ipatupad ang proyektong ito.
“Siguro po pagpaplanuhan pa iyan kasi it should be an inter-agency program, kasi ang nami-mention po na structure is para siyang shelter para sa mga fisherfolks and therefore it will involve different government agencies. Now, kami sa AFP will be ready to undertake or to perform our task that will be given in the implementation of that project,” pahayag ni Aguilar. | ulat ni Racquel Bayan