Nakilahok ang Joint Task Group Baguio ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa isang “Peace Convention” na idinaos sa Malcolm Square, Session Road, Baguio City kahapon.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng daan-daang “peace-loving” na kabataan ng Baguio City mula sa iba’t ibang youth organization, kabilang ang Youth for Peace Baguio Chapter, Cordillera Youth Leaders, Youth Mobile Force, Baguio City Kabataan Kontra Droga at Terorismo, and Junior Police Club.
Ang aktibidad na may temang “Sulong Para Sa Kapayapaan” ay para ipakita ang pagkakaisa ng kabataan sa pagkondena ng 55 taong paghahasik ng karahasan ng CPP-NPA.
Sa mensahe ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na binasa ni John Rey Mananeng, ang presidente ng Baguio City SK (Sangguniang Kabataan) Federation, sinabi ng alkalde na ang pagtataguyod ng kapayapaan sa mga komunidad ay sama-samang responsibilidad ng pamahalaan at civil society.
Sumuporta din sa aktibidad ang Department of Interior and Local Government Unit, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, National Intelligence Coordinating Agency, National Youth Commission, Sangguniang Kabataan, at iba’t ibang religious at sectoral organizations. | ulat ni Leo Sarne
📷: 1CRG, CRSAFP