‘Kadiwa Pascua Bazaar,’ inilunsad ng DA sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaarangkada ang Kadiwa Pascua Bazaar ng Department of Agriculture (DA) sa Rizal Street, lungsod ng Zamboanga.

Tampok sa naturang aktibidad ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda sa Region 9.

Ayon sa DA- 9, may kabuuang 26 exhibitors mula sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula ang nakikilahok ngayong taon sa Kadiwa na binuksan kahapon, Disyembre 4 hanggang Disyembre 8.

Layunin ng programa na tugunan ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ng mga Pilipino, sa pamamagitan ng pag-alok ng mga produktong abot-kaya gayundin ang masuportahan at tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto sa murang halaga.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us