Nakatakda nang buksan sa publiko sa Martes, Disyembre 19 ang KADIWA sa DA: Pamaskong Handog ng Pangulo.
Sa anunsyo ng Department of Agriculture, ang KADIWA na pamaskong handog ng Pangulo ay ilulunsad sa DA Central Compound, Quezon City.
Katatampukan ito ng mga masusustansiya, dekalidad, at abot-kayang agri-fishery products na ihahandog ng mga magsasakang Pilipino.
Bukas sa publiko ang KADIWA Store mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang pagbubukas ng KADIWA sa DA: Pamaskong Handog ng Pangulo ay itinaon para sa panahon ng kapaskuhan.
Pagkakataon na rin ito ng mga local farmer na magkaroon ng dagdag na kita mula sa kanilang produkto ngayong Disyembre. | ulat ni Rey Ferrer