Pinaalalahanan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga School Principal at School Head sa buong bansa hinggil sa kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna tulad ng lindol at sunog.
Ito ang inihayag ng Pangalawag Pangulo kasunod na rin ng malakas na lindol na naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao noong Sabado ng gabi.
Sa kaniyang mensahe sa wikang Binisaya, sinabi ni VP Sara na kaisa ng buong sambayanan ang Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sa pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Magkatuwang aniya ang Department of Health (DOH) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng stress debriefing sa mga estudyanteng nakaranas ng matinding trauma dahil sa pangyayari.
Sinabi pa ng Pagalawang Pangulo na dapat maging laging handa ang mga guro at mag-aaral sa tuwing sasapit ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa pamamagitan aniya ng mga ito, sinabi ni VP Sara na magkakaroon ang mga kabataan ng presence of mind na siyang magliligtas sa kanila sa tiyak na kapahamahakan. | ulat ni Jaymark Dagala