Walang dalang pinsala ang magkasunod na lindol na nangyari sa Hinatuan, Surigao del Sur kaninang umaga.
Bandang alas-11:02 kanina nang muling yanigin ng magnitude 5.2 ang bayan ng Hinatuan.
Naramdaman ang intensity 2 sa Bislig City, Surigao del Sur at intensity 1 sa Tandag, Surigao del Sur at Nabunturan sa Davao de Oro.
Bandang alas-10:20 ng umaga ng unang maramdaman ang magnitude 5 .3 earthquake sa nabanggit ding lugar.
Sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang intensity 1 sa Bislig City, Surigao del Sur; at Nabunturan, Davao de Oro.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7.4 earthquake noong Disyembre 2 sa nasabing bayan sa Surigao del Sur.
Hanggang pasado alas-12:00 ng tanghali, patuloy pang nararamdaman ang mga aftershock sa mga apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer