Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na isususlong ng Kamara ang pagbabantay sa mga programa at proyekto ng pamahalaan upang maibsan ang kahirapan sa bansa.
Sa kaniyang mensahe sa 4th Asia-Pacific Evaluation Association Conference, sinabi ni Romualdez na para makamit ang 2030 United Nations Sustainable Development Goals ay committed ang Kamara na isulong ang pag-institutionalize ng “evidence-based” na pagpapasya.
Partikular na aniya dito ang national evaluation policy na prayoridad sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2030 ng Marcos Jr. adminsitration.
Sa pamamagitan nito ay mapagbubuti ang kalidad ng pamamahala at para sa mas episyenteng bureaucratic processes.
Sinabi pa ni Romualdez na pinasasama na ng Kamara ang National Evaluation Policy bilang “key legislative measure” na tututukan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Para sa house leader, ang pagsasakatuparan ng polisiya ay lalo pang magpapalakas sa legal at institutional framework para sa pagsasagawa ng regular evaluations ng government interventions. | ulat ni Kathleen Jean Forbes