Kamara, magpapatupad ng paghihigpit sa seguridad kasunod ng insidente ng pambobomba sa MSU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maghihigpit sa seguridad ang House of Representatives, bilang pag-iingat kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi kamakailan.

Sa inilabas na kautusan ng Office of the Secretary General mahigpit na ipatutupad ang “No ID, No Entry” policy.

Tanging ang mga bisita lamang na may schedule at kumpirmadong appointment ang papapasukin matapos dumaan sa security screening.

Sa mga designated drop off point lamang din maaari magbaba ng pasahero ang mga taxi o TNVS gayundin ang mga delivery ng pagkain at kahalintulad.

Ang mga sasakyan na walang HREP Carpass ay sa North gate lamang dadaan at isasailalim din sa inspeksyon.

Hindi rin pasasakayin ng HREP shuttle ang mga empleyado kung walang ID.

Tuwing Huwebes naman itinakda ang pagtanggap ng mga hihingi ng financial, medical, at iba pang assistance na itinalaga sa North screening entrance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us