Kamara, mananatiling abala kahit naka-break ang sesyon; panukalang charter change, seryosong aaralin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng Christmas break ng Kongreso ay magiging abala pa rin ang Kamara.

Tututukan kasi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aaral sa mga panukalang amyendahan ang Konstitusyon.

Sa kaniyang closing speech, sa pagsasara ng sesyon sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aaralin nila ngayong Christmas break ang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas dahil sa pagiging restrictive sa pagpasok ng “foreign capital” at iba pang investments sa bansa.

Pagtitiyak ni Romualdez na gagawin nila ang lahat para buksan ang ating ekonomiya sa mga puhunan, at pag-aaralan ang lahat ng paraan kung papaano makikinabang ang mga ordinaryong tao sa charter change.

Pagsiguro naman ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales II na economic provision lang ang nilalayon nilang amyendahan.

Ngunit sakaling lumusot ang political provision, ito ay tungkol lamang sa term limits ng mga kongresista at iba pang lokal na opisyal at hindi sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us