Pinaalalahanan na ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang mga delinquent motor vehicle owners sa ipatutupad nang mahigpit na “No Registration, No Travel” policy sa buong bansa pagkatapos ng mahabang Christmas and New Year break.
Ang mahigpit na pagpapatupad ng polisiya ay may kasamang mabigat na parusa na P10,000 na multa kapag nahuli.
Nauna nang ipinag-utos ni Mendoza sa lahat ng Regional Director at enforcer na bigyan muna ng warning ang vehicle owners sa halip na isyuhan ng ticket violations sa panahon ng Kapaskuhan.
Babala ni Mendoza ang mas agresibong kampanya para sa buong 2024, simula sa susunod na buwan.
Batay sa datos, humigit-kumulang 24.7 milyong delinquent motor vehicle sa buong bansa at ito ay kumakatawan sa may 65% ng lahat ng sasakyan sa buong kapuluan. | ulat ni Rey Ferrer