KAPA community ministries founder at incorporators, sinentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong – SEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Securities and Exchange Commission (SEC) na sinintensyahan ng Regional Trial Court branch 33 sa Butuan City ng habang buhay na pagkakakulong si KAPA Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario.

Ang tinaguriang pinakamalaking investment scam sa kasaysayan ng Pilipinas ay hinatulan ng estafa kasunod ng isang case build up ng SEC, dahil sa illegal nitong investment-taking activities.

Hinatulan ng korte sina Joel Apolinario, Cristobal R. Baradad, at Joji A. Jusay na nagkasala ng walong bilang ng syndicated estafa, alinsunod sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code.

Sila Apolinario na founder at president ng KAPA at si Baradad at Jusay bilang incorporators ay may penalty ng life imprisonment, at pinagbabayad ng aabot sa P195,000 sa complainants.

Pinagtibay ng korte ang natuklasan ng SEC, na ang mga aktibidad sa pangangalap ng KAPA ay katulad ng isang Ponzi scheme.

Ang desisyon ay ibinaba matapos ang humigit-kumulang anim na taon nang matuklasan ng SEC na hinikayat ng KAPA ang publiko na mamuhunan ng P10,000 sa pagkukunwari ng isang donasyon, kapalit ng 30 porsiyentong buwanang kita para sa buhay na binansagang “blessing.” | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us