Pumalo na sa 3,715 ang kaso ng sakit na dengue sa lungsod Quezon mula Enero 1 hanggang Disyembre 2, ngayong taon.
Base sa tala ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, tumaas ito sa 3.86% o 138 dengue cases kumpara noong 2022.
Ang District 1 ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na umabot sa 817 at District 2 naman ang pinaka mababa na may 414 na kaso.
Ayon sa CESU,may sampu na ang bilang na mga namatay sa dengue sa lumgsod.
Kaugnay nito, patuloy ang City Health Department at City Epidemiology and Disease Surveillance sa paglilibot sa mga barangay para sa isinasagawang Case Investigation kaugnay ng mga kaso ng Dengue.
Bukod sa information drive sa mga barangay, nagsasagawa din sila ng spraying o fogging para mapuksa ang mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue. | ulat ni Rey Ferrer