Kasunduan sa seguridad ng Jaluar Mega-Dam Project sa Iloilo, nilagdaan ng Philippine Army at NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ng Philippine Army at National Irrigation Administration (NIA) ang isang Memorandum of Agreement para sa pagpapalakas ng seguridad sa Jalaur River Multi-Purpose Project-Stage II (JRMP II).

Ang kasunduan ay nilagdaan kahapon ni 3rd Infantry Division (3ID) Commander Major General Marion Sison at 301st Infantry Brigade Commander Brigadier General Michael Samson; kasama sina Engineer Jonel Borres, Acting Regional Manager, NIA R6, at Concurrent Project Manager ng JRMP II; at Engineer Angeles Pahayahay, Manager, Engineering Division, JRMP II.

Nagpasalamat ang NIA sa 3ID sa pagkakaloob ng seguridad sa kritikal na proyekto, sa gitna ng presensya ng mga rebelde sa lugar.

Ang JRMP II sa Calinog, Iloilo, ay isang major infrastructure initiative at flagship project ng NIA sa Western Visayas na magpapaunlad ng produksyon sa agrikultura, supply ng tubig, at power generation sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

📸: 3ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us