Kawalan ng due process sa pagsuspinde sa SMNI, binatikos ni Sen. Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Senador Robin Padilla na maghain ng resolusyong sumusuporta sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI) at kumokondena sa inilabas na Suspension Order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Kinuwestiyon ni Padilla ang pagkawala aniya ng due process sa pagsuspinde ng 30 araw sa SMNI.

Para sa senador, mahalaga ang papel ng SMNI sa pagtulong sa anti-terrorism campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng programang kumukontra sa communist propaganda at recruitment strategies.

Nabigo aniya ang NTC na linawin ang basehan nang pagsuspinde sa SMNI, gayundin ang katuwiran ng kanilang naging hakbang para sa kapakanan ng publiko.

Bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng NTC, iginiit ni Padilla na dapat lang na ipaliwanag at linawin ng komisyon ang Suspension Order.

Pinunto pa ng mambabatas na sa desisyon ng Korte Suprema noong 2008, maging ang administrative proceedings gaya ng mga pagdinig at pag-iimbestiga ay dapat mangibabaw ang “right to due process.”

Naniniwala ang senador na magkakaroon ng seryosong negatibong epekto sa SMNI at mga kawani ng kumpanya ang desisyon ng NTC. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us