Kontrobersyal na mining ordinance sa Catanduanes, binawi na ng Sangguniang Panlalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binawi na ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes ang kontrobersyal na ordinansa na nagsuspinde sa Mining-Free Zone Ordinance ng lalawigan at pansamantalang nagpahintulot ng small-scale coal mining sa loob sana ng isang taon.

Sa SP Regular Session na isinagawa nitong Disyembre 4, sa pamamagitan ng isang privilege speech ay inihayag ni Vice-Governor Peter Cua ang naging desisyon ng SP na i-recall na lamang ang kinukwestyong ordinansa.

Ayon sa bise gobernador, ito ay dahil mas malakas ang panawagan ng publiko kontra sa small-scale mining ng coal sa lalawigan kaysa sa magandang intensyon ng SP na makatulong na makapagbigay ng alternatibong hanapbuhay sa mga naghihirap na Catandunganon.

Aniya, nakikinig sila sa opinyon ng publiko upang mas mapabuti ang kanilang mga inihahain at ipinapasang ordinansa sa SP kung kaya’t matapos mapakinggang ang mga kritisismo at pagtuligsa ng publiko, partikular sa social media nitong mga nagdaang linggo, ay umabot sila sa ganitong desisyon.

Iba’t ibang grupo kasi kontra mina, kabilang na ang Simbahang Katoliko sa Catanduanes, ang nagpaabot ng mariing pagtutol dito.

Samantala, sumang-ayon naman sa desisyong ito ng SP si Catanduanes Governor Joseph Cua na bagama’t naniniwalang may economic benefits ang pagmiminang ito sa lalawigan ay tumugon pa rin ito sa “public clamor” laban dito. | ulat ni Juriz Dela Rosa| RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us