Nanawagan si CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva sa pamahalaan na maging seryoso at pag-ibayuhin pa ang laban kontra-korapsyon…kasabay ito ng pagdiriwang ng International Anti-Corruption Day, ngayong taon.
Punto ng kinatawan, dumarami na aniya ang mga Pilipinong tinatanggap na lang na normal na ang korapsyon sa gobyerno.
Tinutukoy nito ang Pulse Asia survey noong June 2023, kung saan lumabas na halos kalahati o 47% ng mga Pilipino ay naniniwalang normal na ang korapsyon sa pamahalaan.
Sa naturang survey, 67% ang nagsabing wala na silang tiwala sa mga opisyal at serbisyo sa gobyerno.
“The state of corruption in the country is beyond critical and deserves nothing less than a pressing genuine response. We need to wake up and prick ourselves to reverse the tide of apathy and numbness towards corruption! I call on everyone to renew our disgust towards corruption and for the government to ramp up its efforts in leading the fight against the problem,” pahayag ni Rep. Villanueva.
Mungkahi ni Villanueva, kailangan magkaroon ng leadership by example, panagutin sa batas ang mga napatunayang corrupt, at ipasa na ang Freedom of Information Law.
Sinabi din ni Rep. Bro. Eddie, na maghahain sya ng panukalang batas na layong limitahan na lamang sa iilang ahensya ang pwedeng bigyan ng confidential at intelligence funds at mag-institutionalize ng paraan ng pag-audit ng pondong ito.
“We need to make our anti-corruption crusade consistent and with no let up. With or without sensational media-hyped corruption cases, we need to keep the fire burning in battling the evils of corruption that keeps us from experiencing the development and affluence that God dreams for all Filipinos,” saad pa ni Rep. Bro. Eddie.
Itinalaga ng United Nations ang December 9 ng bawat taon bilang International Anti-Corruption Day upang itaas kamalayan ng mga tao sa problema ng korapsyon at kung bakit ito dapat iwasan o labanan. | ulat ni Kathleen Forbes