Lanao del Sur solon, ‘di pabor na magdeklara ng Martial Law sa lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na hindi sagot ang pagdedeklara ng Martial Law sa lalawigan, kasunod ng pagsabog sa Mindanao State University (MSU) Linggo ng umaga kung saan may apat na naitalang nasawi.

Para kay Adiong ang pagdedeklara ng Martial law ay magdudulot lamang ng unnecessary panic.

Giit nito, na kapag nagdeklara ng Martial law ay parang ipinaparating nito ang mensahe na walang control ang pamahalaan at may gulo sa komunidad.

“By pressing on the community na everything is not in order, na hindi natin kaya, so that we declare again ng martial law, that in a way is a message to the community na hindi natin kaya ito so kailangan natin mag-extra effort, which may cause unnecessary panic.” Dagdag ng mambabatas

Kinilala naman ng mambabatas ang malaking suporta ng civilian defense interventions para tuluyang mapababa ang bilang ng mga terrorist group.

Punto nito, na kahit ibuhos ng military ang kanilang pwersa ang laban ay patungkol aniya sa idelohiya.

Katulad aniya ng naging karanasan noong Marawi siege, mahalaga na makuha ang suporta ng mga residente at ipakita rin ang suporta sa kanila.

“We do not only resort to military effort, we also need to invest more on the civilian defense scheme, or civilian defense intervention. One is to communicate the message, win the support of the public, because the only way for us to secure our streets, is to make the civilians our partner in policing their community.” saad pa nito | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us