Dagsa ngayon ng mga byaherong papuntang Manila ang Legazpi Grand Terminal sa lalawigan ng Albay.
Mga pasaherong byaheng PITX, Pasay at Cubao ang karamihan sa mga dumadating na commuters.
Ayon kay Dave Alpajaro, Ticket Seller sa nasabing grand terminal, fully booked na aniya ang lahat ng bus papuntang manila ngayong araw. Dagdag niya, aabot sa 180 pasahero ang naitatala ng bawat bus operators kada araw.
December 19 ng magsimulang dumagsa ang mga bumabyaheng manila sa Legazpi Grand Terminal.
Samantala, inaasahan namang muling dadagsain ng mga pabalik ng manila ang Legazpi Grand Terminal simula sa unang araw ng bagong taon. | ulat ni Garry Carl Carillo, RP Albay