Magbibigay ng libreng sakay ang lungsod Makati para sa mga nais dumalo sa isasagawang New Year’s Eve celebration sa Ayala Avenue ngayong araw.
Ayon sa lungsod, ang libreng sakay ay magbibigay ng easy access sa lahat ng nais dumalo sa countdown para sa pagsalubong ng taong 2024.
Sa mga nais maka-avail ng serbisyo narito ang mga pick-up at drop-off points ng libreng sakay:
1. Arnaiz cor. Evangelista
2. Batangas cor. Buendia
3. J. P. Rizal cor. Pasong Tamo
4. J. P. Rizal cor. Zapote
5. J. P. Rizal cor. Pililia
6. Kamagong cor. Pasong Tamo
7. Loyola (Guadalupe Viejo)
EMBOs
1. Kalayaan cor. Jacinto (Pitogo/South Cembo)
2. Lawton cor. J.P. Rizal (Northside/Cembo)
3. Mabini st cor. J.P. Rizal (West Rembo)
4. Kalayaan cor. J.P. Rizal (East Rembo)
5. JP Rizal cor. Sampaguita (Pembo/Comembo)
6. C5 cor. Blu Vos (Rizal/Southside)
Ayon sa Facebook post ng Makati LGU may nakalaang 10 jeep na maghahatid at magsusundo sa bawat pick-up at drop-off point ngayong araw na magsisimula ng 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi, at drop-off ng 1:30 ng madaling araw, January 1, 2024.
Kasama sa ilang bituing kabilang sa mga magpe-perform mamaya ay sina Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid, Pinoy P-Pop Group na SB-19, bandang Spongecola, at marami pang iba. | ulat ni EJ Lazaro