Lider ng iba’t ibang political party sa Kamara, nakasuporta sa hangarin ng Marcos administration na isulong ang kapayapaan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsama-sama ang mga lider at kinatawan ng iba’t ibang political party sa Kamara para ihayag ang buong suporta sa isinusulong na usaping pangkapayapaan ng Marcos Jr. administration.

Sa isang joint statement na inilabas ng House Secretary General, inilahad ng political parties na isang makasaysayang hakbang ang pagtutulak ng pamahalaan sa pagkakaisa para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

“As the united voice of the House of Representatives, representing all political parties, we collectively express our unwavering support for President Ferdinand Marcos Jr.’s initiative for peace and national unity. This historic move marks a pivotal moment in our nation’s journey towards lasting peace and sustainable development.” Saad sa kalatas.

Kinikilala rin ng mga partido na may pagkakaiba sila sa mga perspektibo at ideolohiya ngunit tumitindig anila sila para sa ikabubuti ng bansa.

Ang panawagan anila ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kapayapaan ay higit pa sa political boundaries.

Nagpahayag rin sila ng kahandaan na suportahan at bantayan ang ikakasang negosasyon.

“Recognizing the complexities and challenges of this pcace process, we pledge our support andcommitment to contribute constructively to these negotiations. We are united in the belief that through dialogue, empathy, and mutual respect, we can overcome historical divides and build a more inclusive and peaceful nation” sabi pa sa statement.

Hinikayat din ng party leaders ang lahat ng Pilipino na makiisa sa pagsulong sa kapayapaan at pagsuporta sa Pangulo para makamit hangarin ng kanyang administrasyon.

Kabilang sa mga partidong lumagda ang Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), at Partido Navoteño. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us