Hindi nakaligtas sa paputok ang isang 72-anyos na lolo mula Metro Manila matapos itong mapaso at makapagtamo ng gasgas dahil sa kwitis.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), nadamay lamang ang matanda sa sinindihang paputok ng ibang residente sa kanilang lugar.
Ito na rin, ayon sa kagawaran, ang pinakamatandang naging biktima ng paputok habang nananatili naman sa anim na taon ang pinakabata.
Kasama ang kaso na ito sa 11 pang bagong kaso na naitatala ng DOH magmula nang simulan nito ang pag-monitor sa fireworks-related injuries (FWRI).
Sa kabuuan, mayroon ng 107 kaso ng injuries kaugnay ng paputok kung saan 63 o 59% nito ay kaugnay ng mga ipinagbabawal na paputok tuad ng boga, 5-star, piccolo, at plapla. | ulat ni EJ Lazaro