Patuloy na ang paglayo at asahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang low pressure area (LPA) sa West of Puerto Princesa, Palawan.
Batay sa ulat ng PAGASA Weather Bureau, makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan sa susunod na 24 na oras.
Maging ang shearline sa eastern section ng Southern Luzon ay humina na rin.
Samantala, ang Northeast Monsoon naman ang magpapaulan sa Cagayan Valley at Aurora province sa susunod na 24 na oras. | ulat ni Rey Ferrer