Inanunsiyo ng pamununan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay ito ng libreng sakay sa LRT-2 sa Sabado.
Ito ay bilang pakikiisa sa paggunita ng Ika-127 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa December 30.
Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay simula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM.
Mananatili naman ang regular operating hours ng LRT-2 sa Rizal Day. Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5AM.
Habang ang huling tren sa Antipolo Station at Recto Station ay aalis ng 9:30PM. | ulat ni Diane Lear