Muling hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at tsuper na hindi pa nakakapag-consolidate na humabol nang magsumite ng aplikasyon sa Industry Consolidation.
Ito ay bago pa umabot ang deadline para sa consolidation na December 31 alinsunod na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa LTFRB, pinasimple na nito ang aplikasyon para mas maraming PUV operators at drivers ang makasali sa programa.
Kinakailangan lamang na magsumite ng mga sumusunod na dokumento:
● Latest LTO Official Receipt at Certificate of Registration (OR at CR)
● Para sa Korporasyon: SEC Certificate of Registration/Certification;
Para sa Kooperatiba: CDA Registration/OTC Certification
● Affidavit of Conformity na nagsasaad na pumapayag ang individual operator na isama sa kooperatiba o korporasyon ang kaniyang prangkisa at yunit.
Una nang nanindigan ang LTFRB na hindi na iuurong pa ang deadline nito para sa pag-usad ng PUV Modernization Program. | ulat ni Merry Ann Bastasa