LTO Chief Asec. Mendoza, handang harapin ang inihaing reklamo laban sa kanya sa Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na harapin ang reklamong inihain sa Ombudsman laban sa kanya.

Kaugnay ito ng isinampang patong-patong na kaso ng isang transport group at supplier ng plaka laban kay Mendoza.

Sa isang pahayag, inamin ng LTO Chief na ikinagulat nito ang kaso lalo pa’t ang isyu ng plaka at digitalisasyon ay kasama sa prayoridad nito pag-upo palang sa pwesto sa ahensya.

Tinukoy nitong sa isyu ng digitalisasyon, natugunan nito sa loob ng apat na buwan ang consolidation ng lahat ng online transactions sa LTMS, habang nasa tamang direksyon na rin aniya ang ahensya sa pagtugon sa milyon milyong backlog sa plaka.

Sinabi naman ni Mendoza na iginagalang nito ang karapatan ng sinuman na maghain ng kaso laban sa kanya.

“Nevertheless, we are in a democratic country where anyone could file a case against anybody. Proving the allegation before any court of law, however, is another matter.”

Handa umano ito na patunayan din na walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya.

“I respect and welcome the filing of these two cases because this will be a good opportunity and a proper forum on my part to prove that the allegations are totally baseless and absurd—and eventually expose the real motive behind this action.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us