LTO, iniutos ang pagpapaigting ng road worthiness inspection at ‘No Registration, No Travel’ policy kasunod ng aksidente sa Antique

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniutos na ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II sa Regional Director of LTO-Western Visayas ang pagpapaigting ng road worthiness check sa mga sasakyan kasunod ng nangyaring pagkahulog sa bangin ng isang bus sa Antique na ikinasawi ng 17 pasahero.

Sa isang pahayag, sinabi ni Asec. Mendoza na kung kinakailangan ay gawing lingguhan ang pag-iinspeksyon ng LTO lalo na sa road worthiness ng mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng road users lalo ngayong holiday season.

Bukod dito, nais ng LTO Chief na mas palakasin din ang kampanya sa sa “No Registration, No Travel” policy.

Punto nito, kailangan ang agresibong kampanya sa “No Registration, No Travel” policy ng LTO lalo na sa mga pampublikong sasakyan upang hindi na maulit pa ang ganitong trahedya sa daan.

Pinatututukan na ni LTO Chief Mendoza ang nangyaring aksidente sa Antique upang matukoy ang dahilan ng nangyaring aksidente.

Kasama rin sa direktiba nito ang pagdetermina ng maaaring maitulong ng LTO para sa mga kaanak ng mga nasawi at sa iba pang biktima na nagpapagaling sa ospital.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para maabisuhan ang ibang bus companies at operators sa pagpapatupad ng karagdagang road safety measures upang maiwasan ang mga ganitong aksidente.

Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay si LTO Chief Mendoza sa kaanak ng mga nasawing pasahero sa trahedya.

“Following this fatal road accident in Antique, I also instructed all LTO Regional Directors and heads of District Offices to further intensify the conduct of road worthiness inspection and the “No Registration, No Travel” policy.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us