Nagpaalala sa mga motorista ang Land Transportation Office (LTO) na mag-ingat sa pagbiyahe ngayong holiday season.
Nagbigay ng tatlong tips ang LTO para sa ligtas na biyahe.
Una, dapat tiyaking nakakasuot ng seat belt ang lahat pasahero sa sasakyan upang matiyak ang ligtas na pagdating sa kanilang pupuntahan.
Pangalawa ay iwasan ang pagmamaneho kapag lango sa alak o droga.
Samantala ang pangatlong tip na ibinigay ng lto ay ang pag observe sa speed limit,mapanganib umano ang overspeeding at maaaring maging sanhi ng trahedya.
Sabi pa ng LTO na planuhin ang biyahe nang maaga para maiwasan ang pagmamadali sa pupuntahang destinasyon.
Mahalaga rin na iwasan ang mga distractions habang nagmamaneho tulad ng pagtetext, kumain, o makipag-usap sa telepono habang nagmamaneho. Panatilihin ang pagmamasid sa daan. | ulat ni Rey Ferrer