Naka-heightened alert na ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa para sa Oplan Biyaheng Ayos/Pasko 2023.
Ito ay para umagapay sa mga biyahero na magtutungo sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sabi ng PCG, nasa 2,765 na mga frontline personnel nila ang naka duty ng 24/7 sa mga pantalan para magbigay ng seguridad sa mga pasahero.
Bukod sa frontline personnel, may mga K9 dogs din na siyang katuwang para sa pag-inspection ng mga bagahe.
Mula noong Disyembre 15 ay naka-alert na ang lahat ng mga district, stations at sub-station ng PCG at magtatagal ito hanggang January 5, 2024.
Umabot naman sa 455 na mga cargo at passenger vessel ang isinailalim na sa pagsusuri ng PCG bago pinayagan na maglayag. | ulat ni Michael Rogas