Nagkaroon ng bagong pag-asa ang 430 na residente ng La Union na hindi naireshistro ang kanilang kapanganakan o walang birth certificate.
Ito’y matapos silang mairehistro sa ilalim ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay Engr. Leny Grace Balanon, Assistant Statistician ng PSA-La Union, sa ilalim ng programa ay mayroong ng 430 na residente na nairehistro upang magkaroon ng birth certificate, kung saan, pinakamarami sa bayan ng Bangar na mayroong 102 residente, ang bayan ng Bauang na 54 at San Gabriel na 50.
Ayon kay Engr. Balanon, napag-alaman ng PSA-La Union na mayroong 3,403 katao sa lalawigan ng La Union ang walang birth certificate kaya patuloy ang pagpaparehistro na isinasagawa ng PSA.
Ipinaliwanag ni Engr. Balanon na layunin ng PBRAP na magkaroon ng birth certificate ang 99.5% ng mga Pilipino sa 2024.
Aniya, ito ay upang mapalakas ang Step 2 Registration ng Philippine Identification System Act sa pamamagitan ng paggamit sa birth certificate bilang dokumento sa pagpaparehistro.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo