Nakahanda na ang mga food packs ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) para ipamigay sa 70, 195 pamilya na apektado ng nagdaang 7.4 magnitude na lindol sa Surigao del Sur.
Ito ang inihayag ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa kanyang pagpunta sa lalawigan ngayong araw.
Katunayan ay nagsimula nang mamigay ng food packs ang DSWD Caraga sa 16,628 apektadong pamilya, at magpapatuloy na ito sa natira pang mahigit sa 50k pamilya.
Dagdag pa ng kalihim, ito ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanya, ang mabigay ng agarang tulong sa lahat ng apektado at matingnan ang maaaring gawin para naman sa recovery aspect.
Maliban naman sa food packs ay nagbigay rin ng cash assistance doon sa totally at partially damaged houses na tig-5k at 3k sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag