Mahigit P5 trilyong pambansang pondo para sa susunod na taon, malaki ang maitutulong sa pagpapalago ng ekonomiya – NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagkakapasa ng P5.768 trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong sa inilatag nilang 8-point Socioeconomic agenda ang inaprubahang 2024 budget na nakasalig naman sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Ayon kay Balisacan, napapanahon ang pagpasa sa 2024 budget dahil matitiyak ang maayos na paghahatid ng programa at serbisyo ng pamahalaan.

Kasunod nito, nagpasalamat si Balisacan sa Kongreso para sa kanilang pagsuporta sa pagpasa ng budget dahil nagpapakita ito ng “mutual understanding” sa target na nais makamit ng pamahalaan sa pagpapalago ng ekonomiya.

Paliwang pa ng kalihim, nakatuon ang pinakamalaking bulto sa 2024 budget para sa mga nasa sektor ng Social and Economic Services.

Kaya naman, nakatitiyak si Balisacan na gaganda ang programa para sa mga mahihirap at magkakaroon ng tiyak na pagbabago sa ekonomiya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us