Nagpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN) sa mga beaches at pantalan sa buong Rehiyon Uno.
Kasabay ito ng pagdagsa ng maraming turista, beachgoers at pasahero sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
Bilang bahagi ng OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2023, nagtayo ang opisina ng mga outposts sa iba’t ibang panig sa rehiyon para bantayan ang mga biyaheros at tiyakin ang maayos na operasyon ng mga passenger vessels.
Naka-maximum alert ang lahat ng District Stations at Sub-Stations ng CGDNWLZN para sa maritime safety at security.
Isinasagawa ang komprehensibong inspeksiyon sa mga passenger vessel at tumutulong ang mga K-9 units sa pagbabantay sa port terminals sa Region 1.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo