Maigting na pag-iinspeksyon sa mga imprastratura sa bansa at regular na earthquake drill, ipinanawagan ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinaalalahanan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na paigtingin ang inspeksyon at audit sa mga imprastraktura sa buong Pilipinas matapos ang magkakasunod na lindol na naranasan sa bansa.

Ayon sa Senate Committee on Public Works chairperson, matapos yanigin ng lindol ang ilang bahagi ng bansa ay dapat lang tiyakin na walang naging pinsala sa mga imprastraktura at mga tao sa bansa.

Nitong mga nakaraang araw ay nakaramdam ang ilang rehiyon sa bansa ng malalakas na pagyanig, gaya ng 7.6 magnitude na lindol sa Surigao del Sur, at ang 5.9 magnitude na lindol sa Occidental Mindoro na naramdaman pa sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni Revilla na mahalaga ang responsibilidad ng DPWH lalo na sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko.

Samantala, sinabi naman ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na maituturing na wake up call ang naranasang mga lindol sa bansa.

Kaya naman sinabi ni Go na dapat nang magkaroon ng regular na earthquake drill at panahon na rin aniyang itatag ang Department of Disaster Resilience (DDR). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us