Makulimlim na Pasko, asahan sa Metro Manila, ilang bahagi ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng PAGASA na magpapatuloy ang maulap at madalas na makulimlim na panahon na may tyansa ng pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa hanggang sa araw ng Pasko.

Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod ng pag-iral ng shear line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at pati na ang northeast monsoon o amihan na umiiral sa Northern at Central Luzon.

Sa Metro Manila, may tyansa ng pag-ulan pagsapit ng bisperas at araw ng Pasko.

Makulimlim na panahon rin ang asahan sa Baguio City at CAR hanggang sa Lunes, December 25 dahil sa northeast monsoon.

Kaugnay nito, wala namang inaasahan ang PAGASA na papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa long weekend hanggang Pasko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us