Malabon LGU, may libreng sakay para sa mga maapektuhan ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaagapay ang pamahalaang lungsod ng Malabon para sa mga pasaherong maaapektuhan ng transport strike ng grupong PISTON simula ngayong Huwebes, December 14-15.

Ayon sa Malabon LGU, bilang tugon sa tigil-pasada ay nag-deploy na ito simula kaninang alas-5 ng umaga ng mga rescue vehicle para
magbigay ng libreng sakay.

Kabilang rito ang anim na sasakyan ng LGU at pati na ang truck ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Wala namang ipinatupad ang pamahalaang lokal na class suspension sa mga estudyante ngayong araw kahit may tigil-pasada.

Kasunod nito, hinikayat ng LGU ang mga mai-stranded na commuter na mag-text o tumawag sa Malabon Command Center sa mga sumusunod na numero:
09423729891 / 09190625588 / 89216009 / 89216029. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us