Ikinatuwa ng Palasyo ang pagbaba ng poverty incidence sa first semester ng taong ito na naitala sa 16.4 percent mula sa 18 percent para sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon sa Malacañang, committed ang pamahalaan na mas maibaba pa ang kahirapan sa bansa at mabawasan ang mahihirap na Pilipino.
Target ng administrasyon na maabot ang single-digit poverty level pagdating ng 2028, at ang naitalang pagbaba sa poverty incidence sa unang tatlong buwan ng taon ay hudyat na kayang abutin ang single digit target.
Napag-alaman na ilan sa mga rehiyong nakapagtala ng poverty reduction noong 2021 Hanggang 2023 ay ang National Capital Region, CAR, Cagayan Valley, Central Luzon, SOCCSKSARGEN at Caraga region.
Sa kabilang dako ay bagamat kasama din ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa mga naiulat na may pagbaba ng poverty incidence ay nananatili pa din itong pinakamataas sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar