Hangad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mas maunlad na Pilipinas sa taong 2024.
Ito ang bahagi ng mensahe ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ngayong Christmas Season.
Hinimok din ni Balisacan ang sambayanang Pilipino na magtulungan upang itaguyod ang kinabukasan ng bansa lalo na para sa susunod na henerasyon.
Mananatili aniya ang kanilang pangarap para sa mga Pilipino na maging matatag, maginhawa, at panatag ang kanilang buhay mula ngayon hanggang sa mga susunod pang taon. | ulat ni Jaymark Dagala