Muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hangad ng Pilipinas na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon at paninindigan nito sa rules-based order sa harap ng tumataas na geopolitical tension sa Asia.
Sa panayam sa Pangulo ng Japanese media, inihayag nitong magpapatuloy ang Pilipinas sa pagbuo ng malalakas na alyansa kasama ang mga kaalyadong bansa na may kahalintulad na pananaw hinggil sa nangyayari sa rehiyon.
Pag-amin ng Pangulo, tumaas pang lalo ang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) sa mga nakalipas na buwan sa halip na ito’y humupa.
Maituturing nga ayon sa Chief Executive na pinakamasalimuot na geopolitical challenge sa buong mundo ang sitwasyon sa WPS.
Sa harap nito’y sinabi ni Pangulong Marcos na kapayapaan pa din ang hangad ng bansa habang tuloy – tuloy ang komunikasyon sa iba pang mga nasyon. | ulat ni Alvin Baltazar