Malaking ambag ng Philippine Extractive Industries Transparency Initiative sa gobyerno, kinilala ni Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Philippine Extractive Industries Transparency Initiative (PH-EITI) sa mga nakamit nito sa nagdaang taon.

Ayon kay Diokno, pinaghusay ng PH-EITI ang transparency at accountability ng extractives sector sa bansa.

Ito ang inihayag ng kalihim sa 2023 Fostering Open and Responsible Governance of Extractives (FORGE) Philippines annual national conference.

Base sa datos sa loob ng siyam na taon, umaabot na sa P405.4 billion ang naipasok ng EITI na kita ng gobyerno.

Sinabi ni Diokno, na malaki ang naging ambag ng pagsusumikap ng pamahalaan na makasunod sa EITI global standards upang makamit ang kumpiyansa ng mamamayan sa pamamahala ng gobyerno sa likas na yaman.

Binanggit din ng kalihim na mula January to July 2023, nakakuha na ang PIlipinas ng $6.8 million na investment sa mining at quarrying.

Dahil din aniya sa plataporma at hangarin ng lahat ng stakeholders, kayang suportahan ng PH-EITI ang panukala ng Department of Finance na ireporma ang mining at fiscal regime, upang maging competitive at attractive ito sa foreign investment. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us