On-track ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa layunin nitong maabot ang ganap na implementasyon ng Universal Health Care Act.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nakatutok ang gobyerno sa pagtiyak na accessible ang mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, anuman ang estado sa buhay.
Alinsunod aniya ito sa 8-Point Action Agenda o iyong pagpapaabot ng ligtas at de-kalidad na serbisyong medikal para sa mga Pilipino, kahandaan sa pandemya at krisis, gayundin sa pagtiyak ng kapakanan at karapatan ng healthcare workers.
Ayon sa kalihim, ngayong 2023, pinalakas ng DOH ang one-stop shop program na nagbibigay ng health services para sa mahihirap na pasyente sa pamamagitan ng Malasakit Centers sa buong bansa.
As of September 2023, umakyat pa sa 159 ang Malasakit Centers sa bansa.
Pinakahuling pinasinayaan na Malasakit Center ay matatagpuan sa Bislig District Hospital sa Bislig City, Surigao del Sur. | ulat ni Racquel Bayan