Inaasahan ng global investment firm na Goldman Sachs ang pagbagal ng inflation para sa Pilipinas pagtapak ng susunod na taon.
Ayon sa forecast, malaking dahilan ng pagbagal ng inflation para sa 2024 sa bansa ay dahil sa pagbaba ng global fuel price at mas malakas na piso.
Kaya naman binago ng Goldman Sachs ang kanilang inaasahang inflation sa 6.0% para sa 2023 mula sa naunang estimate na 6.2 gayundin para sa 2024 mula sa 4.2% sa mas mababang 3.5% inflation.
Ang nasabing forecast para sa 2024 ay pasok sa estimate ng pamahalaan sa 3 to 4 percent range.
Sinang-ayunan naman ng First Metro Investment Corp. at University of Asia and the Pacific ang naging pananaw na ito ng Goldman Sachs. | ulat ni EJ Lazaro