Sa direktiba ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, sabay-sabay ring nagsagawa ng Christmas Party ang 67 Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ito ay upang magbigay ng saya at ngiti sa mga residente at kinukupkop ng mga CRCF ng DSWD.
Sinimulan na noong linggo at nitong araw ng Pasko, December 25 ang selebrasyon sa mga CRCFs at magpapatuloy sa December 31, Linggo, hanggang sa Bagong Taon, January 1, 2024, Lunes.
Ayon sa DSWD, sa simpleng selebrasyong ito, nais nitong maipadama na ang diwa ng Pasko at Bagong Taon ay para sa lahat.
Ang CRCF ay isa sa mga programa ng DSWD na nagsisilbing ligtas na tahanan para sa mga bulnerable at disadvantaged na mga kabataan, kababaihan, senior citizens, persons with disability, at iba pang mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis. | ulat ni Merry Ann Bastasa