Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pinatunayan ng matagumpay na bond issuance ng Pilipinas ang kumpiyansa ng foreign investors sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasunod ng muling pagbabalik ng bansa sa international capital market ngayong taon.
Simula noong January 2023, nakapagtala ng US$3 billion na bond ang Bureau of Treasury, ito ay tinatayang nasa P166.98 billion na halaga ng 5.5-year, 10.5-year, and 25-year US dollar-denominated global bonds.
Sa katunayan bago matapos ang taon, inilunsad ng Department of Finance ang Sukuk bonds issuance para sa mga middle at Islamic investors.
Ayon kay Diokno, ang Sukuk issuance ay mahalgang hakbang para sa hangarin ng Marcos Jr. administration na paglago ng Philippine financial sector and harness, at i-tap ang potential ng Islamic banking sa bansa at palawakin ang pamumuhunan.
Dagdag ng Department of Finance Chief, masaya siya sa tagumpay ng global bond issuance dahil nagpapamalas ito ng pagkilala ng international investors sa muling pagbawi ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes