Meralco, nagpaalala sa publiko na isaalang-alang ang electrical safety sa pagsalubong ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Manila Electric Company (Meralco) sa publiko na mag-obserba ng electrical safety practices upang maiwasan ang mga posibleng aksidente sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, paalala nila sa kanilang mga customer na iwasan ang pagsindi ng mga paputok malapit sa mga pasilidad ng kuryente upang maiwasan ang aksidente.

Kaugnay nito nagbigay naman ng ilang safety tips ang Meralco para makaiwas sa mga insidente ng sunog at iba pang uri ng aksidente gaya ng:

-Huwag magsindi ng paputok malapit sa pasilidad ng kuryente.

-Umiwas sa mga pasilidad ng kuryente kung gagamit ng party items.

-Maghanda ng fire extinguisher.

-Iwasan ang ‘octopus’ connection at overloading.

-At tanggalin sa pagkakasaksak ang mga Christmas light at iba pang appliance na hindi ginagamit.

Tiniyak naman ng Meralco na nakaantabay ang kanilang mga crew upang rumesponde sa anumang posibleng problema sa serbisyo ng kuryente sa pagsalubong ng Bagong Taon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us