Mga bahay sa Cainta, Rizal, pinalamutian ng mga temang kakanin kaalinsabay ng SUMBINGTIK Festival

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makukulay na dekorasyon ng mga bahay ang sasalubong sa mga darayo sa Brgy. Sto. Niño sa Cainta sa Rizal kaalinsabay ng kanilang SUMBINGTIK Festival.

Ang SUMBINGTIK ay nangangahulugan ng Suman, Bibingka at Latik kung saan nakilala ang naturang bayan.

Gawa sa recycled materials ang mga dekorasyon sa mga kabahayan gaya ng bao, bilao, balat ng suman, abaniko at iba pa.

Nagsimula ang pagdiriwang nito pang Nobyembre 24 at tumagal ito ng isang linggo hanggang ngayong unang araw ng Disyembre.

Kasama sa mga aktibidad na itinampok sa pista sa Cainta ang Fun-Run Color Cainta, Ms. Gay Queen 2023, One Cainta Bikers Fun Ride, Youth Can Dance, Grand Float Parade na bida pa rin ang mga Suman, Bibingka at Latik, Palarong Pinoy, Caindakan sa Kalsada street dance competition at music festival concert. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us