Mga batang may sakit sa puso, hinandugan ng Pamasko ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ngayong umaga ni Senador Imee Marcos ang pamamahagi ng Pamasko sa mga batang may sakit sa puso sa Philippine Heart Center, Quezon City.

Taunang tradisyon na ito ng senador tuwing magpa-Pasko katuwang ang Heart Warriors Philippine Inc.

Nasa 250 na mga batang may iba’t ibang kondisyon sa puso kasama ang kanilang mga magulang ang bahagi ng gift giving activity ngayong umaga.

Ayon kay Sen. Marcos, malapit sa puso nito ang mga batang may sakit sa puso dahil dalawa rin sa anak nito ang nakaranas noon ng problema sa puso.

Bukod sa hatid na Pamasko, regular na tumutulong ang senador sa mga batang nagpapaopera sa puso sa Philippine Heart Center.

Katunayan, nasa higit 2,000 batang may sakit na aniya sa puso ang natulungan ng kanyang tanggapan para maoperahan.

Kaugnay nito, iminungkahi naman ni Sen. Marcos ang pagkakaroon ng dagdag na Specialist Heart Center sa ibang rehiyon para mas maraming may sakit sa puso ang mabigyan ng pag-asa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us