DA, namahagi ng halos ₱400-M RCEF machines sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng ₱400-milyong halaga ng farm equipment at makinarya na mga benepisyaryong farmer cooperative sa Nueva Ecija.

Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program.

Nakatuwang ng kalihim sina PHilMech Director IV Dr. Dionisio Alvindia, and PHilMech Director III Joel Dator kung saan pormal na iginawad ang mga makinarya sa 88 FCA at LGU beneficiaries.

Bukod naman dito, sinaksihan din ng kalihim ang pagpapasinaya sa bagong Agricultural Machinery Design and Prototyping Center (AMDPC) ng PhilMech sa lalawigan na makatutulong sa pagtugon sa problema ng agri at fisheries sector sa rehiyon.

Katuwang sa naturang proyekto ng pamahalaan ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) kung saan tampok ang state-of-the-art technologies na inaasahang mapapakinabangan ng 300 local agriculture machinery manufacturers at distributors sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us