Mga benepisyaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program sa Ipil at Naga sa Zamboanga Sibugay, nakatanggap mula sa payout ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikiisa ng Ipil Local Government Unit ang pamamahagi ng transitory family support package at livelihood settlement grant sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) Program sa probinsya ng Zamboanga Sibugay kamakailan.

Nasa 52 pamilya mula sa bayan ng Ipil at siyam na pamilya naman sa Naga ang nakatanggap ng ₱50,000 na livelihood grant at ₱6,765 na transitory support family grant mula sa naturang ahensya.

Layon ng aktibidad na mabigyan ng mga oportunidad, panghanapbuhay, industriyalisasyon, at maayos na kalidad na serbisyo ang mga benepisyaryo ng BP2 Program na piniling manirahan sa kanilang bayan o ibang resettlement areas.

Ayon pa kay Municipal Administrator Rodel Olegario, siniguro nito na patuloy na susuportahan ng naturang LGU ang monitoring at sustainability ng nasabing programa sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office.  | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga

📷: Ipil LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us