Mga biktima ng aksidente sa bus sa Antique, inayudahan ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI ng ayuda sa ilang mga biktima ng aksidente sa bus sa Hamtic, Antique.

Ayon sa DSWD, tig-₱10,000 financial assistance ang naihatid nito sa pamilya ng anim na biktimang naka-confine ngayon sa Western Visayas Medical Center (WVMC).

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs) para maibigay na rin ang financial aid sa iba pang biktima ng trahedya.

Habang nagpapatuloy rin ang assessment para madetermina ang iba pang assistance na maaaring maibigay sa mga nasugatan at kanilang mga pamilya.

Matatandaang umakyat na sa 18 ang nasawi sa aksidente habang 10 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us